Pick Up LInes Qoutes and Jokes



Dito nyo mahahanap lahat Pick up lines Jokes Qoutes Sana Magustohan nyo i hope you like it!













Thursday, August 23, 2012

qoutes and pick up lines

"Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sa'yo eh... Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya."
"Walang taong manhid. Hindi lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin."
"Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya."
"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka. Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."
"Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya."
"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba."


"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan."
"Minsan, kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka."
"Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang...ganyan mag papansin ang ayaw mag first move."
"Hindi porket madalas mong ka-chat, kausap sa phone, kasama sa mga lakad o katext wantusawa e may gusto sayo at makaka tuluyan mo na... may mga tao lang talaga na sadyang friendly, sweet, flirt o paasa."
"Kung nakikita mo na ang dahilan mo para sumuko... huwag mo na lang tingnan."
"Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan... kahit na mag-stop over ka pa."
"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay, sa tamang tao, sa tamang panahon."
"Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay.."
"Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sobra."


Bos: "...May lisensya ka ba sa pagmamaneho?"
Diego: "Huh? Lisensya? Bakit?"
Bos: "Because you're driving me crazy!"
Diego: "...Pag kausap kita lagi akong nadadapa!"
Bos: "Huh? Bakit?"
Diego: "Sobrang baba kasi ng IQ mo, natitisod ako!"
Diego: "Sudoku ba ko?"
Bos: "Bakit?"
Diego: "Kasi hirap na hirap ka sakin!" ~Bob Ong

No comments:

Post a Comment